Paumanhin sa masasaktan o tatamaan
Bakit nga ba biglang nauso ang digi cam? Kahit saan ka magpupunta, madaming may dala ng digi cam tapos kinukunan mga sarili nila. Bawat kilos nga ng isang tao, masusubaybayan na sa mga digi cam. Ultimo pag-inom sa baso, pagsasalamin, pag-yosi, at kung anu-ano pa. Kahit nga nakatayo lang, kukunan pa. O kaya naman yung patalon pa lang sa ere. Ang ganda kasi ng effect sa camera, e. Para naman sa ‘kin, may kanya-kanyang dahilan kung bakit nagsisibilihan ng digi cam ang tao; at kung bakit nagsusulputan ang iba’t ibang tatak ng mga kamera.
1. Marahil sadyang ma-sentimyento lang ang mga Pinoy. Kailangan may ala-ala sa lahat ng kaganapan. Remembrance kumbaga. Bertdey, inuman, swimming, ihawan – lahat ng ito mahalaga. Dapat walang papalagpasin. Lahat kukunan ng picture. Isama pa ang reunion; concert ng paboritong singer; anniversary o monthsary; Linggo ng Wika, Math Week, Science Week at kung anu-ano pang week yan; foundation day; Mr & Ms Kung Ano Man; Field Demo; Graduation; at kahit burol.
Madalas si bunso magmu-muse sa school kaya dapat lahat ng miyembro ng pamilya, pupunta para kasama sa picture. Tapos si kuya, maga-abroad kaya bago pa man pansamantalang magkahiwa-hiwalay, picture picture muna. Si ate naman, binilhan ng kotse nila mommy kaya dapat may remembrance din. Sina nanay at tatay naman, dapat meron din.
Sadyang ganyan. Souvenir nga naman, e.
2. Minsan naman, mahalaga ang digi cam para sa mga taong kailangang gumawa ng research paper; mag-interview ng kung sino-sinong sikat na pilosopo, doktor at negosyante; o gumawa ng documentation.
Mahalaga rin ito para sa mahilig sa photography. Pangit nga naman kung gusto mong maging photographer tapos wala kang camera diba?
3. May mga tao namang basta may mailagay lang sa friendster na madaming madaming picture, bibili pa ng digi cam. Tsk tsk. Masabi lang na nakapunta na sila ng barkada nila ng Baguio; nakainom na ng kape sa Starbucks; nakasakay na sa Rio Grande sa Enchanted Kingdom; o kaya naman nakanood na ng gig sa Baywalk.
Masabi lang na marami nang napuntahan at maraming nakilalang sikat, bibili ng digi cam, at maga-upload ng pics sa friendster at sa multiply. Lalagyan ng captions, yan ang paborito ng marami. PARA SIKAT.
4. May mga tao namang para makaganti sa kaaway o sa ex ng kasintahan nya ngayon, bibili ng digi cam.
Wala lang. Maipamukha lang na masaya siya at higit sa lahat, maipamukha lang na may camerang mamahalin na siya.
5. Higit sa lahat, ang mga taong nakikiuso lang. Naku! Dito sa kategoryang ito pinakamaraming guilty! Masabi lang na “IN” siya, mag-iipon sa piggy bank ng tag-5 at tag-10 piso. Hindi na minsan kumakain ng breakfast at dinner yan a, hindi gagawa ng project, hindi magpapa-load para lang makaipon nang mabilis. Tapos pag napuno na at wala nang pagsuksukan, babasagin ang alkansya. Kung plastik lang ang alkansya, pupunitin lang. Bibilangin. Tapos pupunta na agad sa pinakamalapit na bilihan ng digi cam!
Matapos nun, ano ang napala nya? Wala. Nakabili lang siya. ‘Yun na iyon. Di naman mamamangha ang buong Pilipinas dahil nakabili na siya. Di naman siya magiging bayani pag ginawa niya yun. Di naman mababawasan ang mga pulubi sa kalye at ang mga nagugutom sa squatters area. Di naman tataas ang minimum wage ng mga manggagawa sa pagbili niya ng digi cam. Di naman mababawasan ang sintambak na basura sa Smokey Mountain o sa Boracay.
Siya lang. Siya lang ang naging masaya, wala ng iba. Hindi ko nga alam kung matatawag pang masaya ‘yun.
Hindi naman ako tutol sa pagbili ng digi cam. Marami lang mga taong madami ring pinagkakagastusan. Kahit di naman mahalaga. Kahit mabubuhay naman sila ng wala iyon. Sana, sa lahat ng gagawin natin, mag-isip muna tayo ng maigi… Makakatulong ba ‘ko sa kapwa kong nangangailangan ng tulong? Magiging masaya ba talaga ako?

2 Comments:
asus! ganun talaga eh! buti nga sila meron!
ako kailangan ko talaga!
madami ako kailangan mahuling sandali na malulupet!
penge digicam sharinelle! wag yung malaki masyado! hehe...
goodluck sa prelims!
salamat sa pagbisita, sir! :)
well...kung kelangan mo talaga, go! naisip ko lang naman magsulat, napansin ko kasi halos karamihan, di naman talga kailangan e.
weh, wag ka kayang humingi sakin. ako nga, wala e! :)
God bless sa prelims!
Post a Comment
<< Home